^

PSN Palaro

ABAP lalahok sa 2 boxing events

-

MANILA, Philippines - Makikilatis ang mga batang boksingero na siyang sasandalan sa inaasahang karangalan sa larangan ng boxing sa Asian Games sa Nobyembre sa Guangzhou, China.

Dalawang koponan ang ipadadala ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) sa dalawang malalaking kompetisyon sa China at Thailand na siyang gagamiting bahagi ng preparasyon ng bansa para sa Asian Games.

Pitong boksingero na sina light flyweight Gerson Nietes, flyweight Rey Saludar, bantamweight Aston Francis Palicte, featherweight Charly Suarez, light welterweight Jameboy Vicera, light welterweight Mark John Rey Melligen at welterweight Wilfredo Lopez ang siyang ipadadala sa China Open na sasambulat mula Abril 3 hanggang 11 sa Guiyang, China.

Mauuna namang ilaban ang tatlong boksingero na sina light flyweight Crisanto Godaren, flyweight Victorio Saludar at featherweight Jhergigs Chavez sa 32nd King’s Cup sa Bangkok, Thailand mula Abril 1 hanggang 8.

Maliban kay Suarez na isang gold medalist sa idinaos na 2009 Laos SEA Games at Lopez, ang ibang mga kasapi ay mga bagito o nasa ikalawang paglahok lamang sa malakihang kompetisyon. (Angeline Tan)

ABRIL

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ANGELINE TAN

ASIAN GAMES

ASTON FRANCIS PALICTE

CHARLY SUAREZ

CHINA OPEN

CRISANTO GODAREN

JAMEBOY VICERA

JHERGIGS CHAVEZ

MARK JOHN REY MELLIGEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with