^

PSN Palaro

Tanamor nagretiro na

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Isinabit na ni Harry Tanamor ang kanyang boxing gloves upang harapin ang bagong yugto ng kanyang buhay.

Si Tanamor ay nagretiro na mula sa pagiging Pambansang atleta matapos ang pagbaba na ng kanyang an­tas ng paglalaro sa huling mga nilahukang torneo sa labas ng bansa.

“Yes, nagretiro na siya,” wika ni Ed Picson, ang exe­cutive director ng Amateur Boxing Association of the Phi­lippines sa 32-anyos na tubong Zamboanga City at kumampanya sa lightweight division.

Isa sa tiningala sa larangan ng amateur boxing sa ban­sa, si Tanamor ay nabigong maghatid ng ginto sa idi­naos na Laos Southeast Asian Games nang matalo sa mas bata at mas mabilis na si Kaew Pongprayoon ng Thailand.

Nabigyan pa ng pagkakataon si Tanamor na patunayan ang sarili nang maimbitahan sa Champions of Champions na ginanap sa Beijing, China nitong Enero pero napatalsik agad ito sa kanyang unang laban kontra sa Chinese Olympian na si Zou Shiming.

Si Shiming din ang siyang boksingerong tumalo kay Tanamor sa finals bout sa 48-kilogram division sa 2007 AIBA World Amateur Boxing Championships sa Chicago, USA.

“Nagkausap kami para mapag-usapan ang kanyang performance sa mga huling laban at pareho kaming nagkasundo na napapanahon na para magretiro na siya sa paglalaro. Ginawa ngayon ng ABAP na matulungan siya na maging coach at may isang club sa Mandaluyong City ang aming kinakausap sa ngayon para kunin siya,” paliwanag pa ni Picson.

Hindi man naging maganda ang resulta ng mga hu­ling laban ni Tanamor ay masasabing selyado na niya ang pagiging isa sa mahusay na boksingero ng bansa sa amateur.

Nakapaghatid pa ng dalawang bronze medals si Ta­namor sa naunang dalawang World Championships noong 2001 sa Belfast at 2003 sa Bangkok Thailand.

Nagkampeon din siya sa President’s Cup sa Chi­nese Taipei at sa World Cup sa Moscow Russia, noong 2008.

 Isa pang beteranong boksingero na si Joan Tipon ay wala na rin sa Pambansang koponan dala ng injury sa kaliwang balikat.

Pero di tulad ni Tanamor, si Tipon ay maaaring ma­kabalik pa kung maghihilom ang kanyang injury.

 Dala ng injury na ito, si Tipon, na umani ng ginto sa 2006 Doha Asian Games, ay napatalsik agad sa first round sa bantamweight division sa Laos SEAG.

Bunga ng pangyayari, sa mga bago at batang mukha aasa ang ABAP sa mga darating pang kompetis­yong internasyonal na kanilang lalahukan.

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHI

BANGKOK THAILAND

CHAMPIONS OF CHAMPIONS

CHINESE OLYMPIAN

DOHA ASIAN GAMES

ED PICSON

HARRY TANAMOR

ISA

SHY

TANAMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with