^

PSN Palaro

Julaton duguan, Brown WBA super bantamweight queen

-

MANILA, Philippines - Nabigo si Ana “The Hurricane” Julaton sa hangaring matuhog ang ikatlong titulo sa female super bantamweight division nang lasapin ang unanimous decision kabiguan sa kamay ng beteranong si Lisa “Bad News” Brown sa tagisan kahapon sa Casino Rama sa Ontario, Canada.

Hindi nakahanap ng magandang depensa ang 29-anyos na si Julaton sa mga jabs at combinations na pina­kawalan ng 39-anyos na si Brown upang makamit ang 99-91, 99-92 at 100-90 iskor mula sa tatlong hu­rado at maibulsa ang bakanteng WBA female super ban­tamweight title.

Ang panalong ito ni Brown, ipinanganak sa Trinidad and Tobako pero nakatira na ngayon sa Scarborough, Ontario, Canada, ay kanyang ika-17 sa 24 laban at ang WBA title ay pang-apat nito matapos makamit ang WIBA (dalawang beses) at IFBA female super ban­tamweight titles.

Nalaglag naman si Julaton sa ikalawang kabiguan sa siyam na laban at natigil ang dalawang matitinding panalo laban kina Kelsey Jeffries at Donna Biggers pa­ra sa IBA at WBO female super bantamweight titles na nangyari noong nakaraang taon.

Mainit ang pagsisimula ni Julaton nang tamaan si Brown ng malalakas na kaliwa na tila yumanig sa be­te­ranang karibal.

Ngunit nagbago ang ihip ng takbo ng laro matapos ma­ging aktibo si Brown at nagsimulang tumama ang mga jabs at kombinasyon nito.

Maliban sa kawalan ng depensa sa istilong ito ni Brown, naperhuwisyo pa si Julaton nang maputukan sa magkabilang kilay bunga ng head butts na nangyari sa fifth at sixth rounds.

Hirap man ay nakangiti pa rin si Julaton na tinanggap ang desisyon at agad ding kinamayan at inakap ang na­nalong katunggali.

“This is her toughest fight and the bloodies fight I have seen but I’m very proud of my daughter because she showed a lot of determination in this fight,” papuri ng ama ni Ana na si Cesar na pinanood ang laban kahapon sa GMA Network Center.

Nasa bansa si Cesar, ipinanganak sa Barangay Vil­legas sa Pozzorubio, Pangasinan at namalagi na sa US sa edad na 2 taon gulang, para sa bakasyon ngu­nit sinikap din niyang makapunta sa Canada pero di nangyari dala ng problema sa booking.

Naniniwala rin ang ama na magpapatuloy si Ana sa pagbo-boxing kahit natalo sa laban at nakikita niyang mas huhusay ang kanyang anak sa kanyang pagbabalik sa ring. (Luz M. Constantino)

BAD NEWS

BARANGAY VIL

CASINO RAMA

DONNA BIGGERS

JULATON

KELSEY JEFFRIES

LUZ M

NETWORK CENTER

SHY

TRINIDAD AND TOBAKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with