^

PSN Palaro

Pinoy ubos na sa Mitsubishi netfest

-

MANILA, Philippines - Natapos ang kampan­ya ng Pilipinas sa 21st Mitsubishi Lancer International Tennis Championships nang matalo sina Francis Ca­sey Alcantara at Ma­rian Jade Capadocia sa mga matitikas na katungga­li sa singles kahapon na gi­na­wa sa Rizal Memorial Tennis Center.

Hindi nakuha ni Alcanta­ra ang tamang porma upang mawakasan ang kampanya ni Wang Chuhan ng China nang maitakas ng 13th seed ang 4-6, 7-5, 6-1, panalo laban sa fourth seed at pambato ng bansa sa boys division.

Tinakasan ng lakas si Alcantara nang makahu­lagpos ang panalo sa se­cond set matapos hindi ma­kuha ang mahalagang match-points matapos lumayo sa 5-2 iskor na nagpataas pa sa kumpiyansa ng kalaban.

Naapektuhan na ng pressure, inatake na rin ng pulikat si Alcantara sa third set na nagbigay ng karagdagang bentahe kay Chuhan para makumpleto ang ginawang pagbangon sa kabiguan sa first set.

 Sa pangyayaring ito, nabigo si Alcantara sa mit­hiing mapantayan o higitan pa ang semifinals sho­wing na kanyang naitala sa unang paglalaro sa torneong idineklara na Grade I event ng ITF, noong 2008.

Naubos naman ang suwerte ng 14-anyos na si Capadocia nang maisuko ang mahigpitang 6-1, 5-7, 6-0, pagkatalo laban kay Lusika Kumkhum ng Thailand sa girl’s division.

Nasilat din ang top seed sa boys na si Mate Zsiga ng Hungary nang ang no. 8 ranked sa mundo ay yumukod sa straight sets, 6-4, 6-1, laban sa 14th seed na si Dane Webb ng US.  (Angeline Tan)

ANGELINE TAN

DANE WEBB

FRANCIS CA

GRADE I

JADE CAPADOCIA

LUSIKA KUMKHUM

MATE ZSIGA

MITSUBISHI LANCER INTERNATIONAL TENNIS CHAMPIONSHIPS

RIZAL MEMORIAL TENNIS CENTER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with