SEAG veteran 'di umubra sa batang shooter

MANILA, Philippines - Niyanig ni Jayson Valdez, 15-anyos na mag-aaral mula sa Malate Catholic School junior at produkto ng shooting as­sociation’s NYDP (National Youth Development Program), ang many-time Southeast Asian Games gold medalist na si Eme­rito Concepcion nang dominahin ang 50-meter 3-position rifle event na idinaos nitong nakaraang Linggo sa buwanang qualifying tournament para sa Asian Games sa PSC/Marines range sa Fort Bonifacio.

Gamit ang lumang baril na kabilang kay youth team head coach Bartolome Teyab, uma­sinta si Valdez ng 1,106 puntos sa prone, kneeling at standing positions upang hiyain ang ma­higpit na paboritong beteranong si Concepcion ng apat na puntos.

“Valdez really surprised eve­ry­­one with his performance,” ani Laos SEAG gold medalist at NYDP chair Nathaniel “Tac” Padilla, na nananatiling top pistol shooter matapos na manalo sa 25-meter standard at rapid fire events.

Bumawi naman si Concepcion sa men’s 10-meter air rifle event nang kanyang itumba si Valdez ng 5 puntos, 571-576.

Tumudla si Padilla ng 551 at 566 sa standard at rapid fire, ayon sa pagkakasunod upang kumawala kina Robert Donalvo (546 at 538) at Ronald Hejastro (539 at 535). 

Show comments