SEAG veteran 'di umubra sa batang shooter
MANILA, Philippines - Niyanig ni Jayson Valdez, 15-anyos na mag-aaral mula sa Malate Catholic School junior at produkto ng shooting association’s NYDP (National Youth Development Program), ang many-time Southeast Asian Games gold medalist na si Emerito Concepcion nang dominahin ang 50-meter 3-position rifle event na idinaos nitong nakaraang Linggo sa buwanang qualifying tournament para sa Asian Games sa PSC/Marines range sa Fort Bonifacio.
Gamit ang lumang baril na kabilang kay youth team head coach Bartolome Teyab, umasinta si Valdez ng 1,106 puntos sa prone, kneeling at standing positions upang hiyain ang mahigpit na paboritong beteranong si Concepcion ng apat na puntos.
“Valdez really surprised everyone with his performance,” ani Laos SEAG gold medalist at NYDP chair Nathaniel “Tac” Padilla, na nananatiling top pistol shooter matapos na manalo sa 25-meter standard at rapid fire events.
Bumawi naman si Concepcion sa men’s 10-meter air rifle event nang kanyang itumba si Valdez ng 5 puntos, 571-576.
Tumudla si Padilla ng 551 at 566 sa standard at rapid fire, ayon sa pagkakasunod upang kumawala kina Robert Donalvo (546 at 538) at Ronald Hejastro (539 at 535).
- Latest
- Trending