^

PSN Palaro

Ironmen, 25ers magpapatayan para sa huling tiket sa finals

-

MANILA, Philippines - Maging pisikal man ang kanilang laro ng Ironmen ni coach Lawrence Chongson, mas kinatatakutan ni mentor Ato Agustin ang freethrow shooting ng kanyang mga 25ers.

Sa 89-81 tagumpay ng Excelroof sa Cobra Energy Drink noong Sabado, may masamang 10-of-33 clip ang koponan ni Agustin.

“That’s one aspect that we have to improve. We ha­ve no problem if our knock­out game would be a physical one since my boys are already used to it,” sabi ni Agustin.

Nakatakdang pag-a­gawan ng 25ers at Ironmen ang ikalawang finals berth ngayong alas-3 ng hapon sa kanilang ‘sudden-death’ para sa 2010 PBL PG Flex Erase Pla­ce­n­ta Cup sa San Juan City gym.

Makakaharap ng nag­hihintay na Pharex B Com­plex ang sinumang mananaig sa pagitan ng Cobra at Excelroof para sa best-of-three championship series.

Parehong nagkaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage ang No. 1 Fighting Ma­roons at No. 2 Ironmen sa Final Four kontra sa No. 4 Cossack Blue Spi-rits at No. 3 25ers, ayon sa pagkakasunod.

Para muling talunin ang Cobra ni Chongson, pi­nanood ni Agustin ang tape ng kanilang panalo noong Sabado.

Nauna nang iginupo ng Ironmen ang 25ers, 66-65, sa kanilang unang paghaharap sa elims.

Sina Jimbo Aquino, Calvin Abueva, Ronald Pascual, Pamboy Raymundo at Ian Saranggay ang muling ibabandera ng Excelroof para pigilan ang Cobra. (RCadayona)

AGUSTIN

ATO AGUSTIN

CALVIN ABUEVA

COSSACK BLUE SPI

EXCELROOF

FIGHTING MA

FINAL FOUR

FLEX ERASE PLA

IAN SARANGGAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with