^

PSN Palaro

3 Pinoy netters dinispatsa agad ng mga dayuhan sa 21st Mitsubishi Lancer netfest

-

MANILA, Philippines - Nagparamdam agad ang mga dayuhan na nagnanais na makapasok sa main draw ng 21st Mitsubishi International Tennis Championships nang pagpahingahin agad ang tatlong pambato ng bansa sa pagsisi­mula kahapon ng qualifying round sa Rizal Memorial Tennis Center.

Umukit ng 6-0, 6-0, panalo si Simon Spencer ng USA laban kay Calvin Charles Canlas; si Gabor Csonka ng Hungary ay humirit ng 6-1, 6-1, panalo kay Romain Lepourtre at si Sylvester Alamdar ng US ay may 6-1, 6-1, tagumpay din kontra kay John Mavrick Victoria.

Ang ikaapat at huling laro kahapon ay napanalunan naman ni Mansingh Athare ng India laban kay Daniel Um ng USA.

Magtatapos ang aksyon sa qualifying round ngayon at ka­tatampukan ito ng 10 labanan sa boys at girls division.

Ang main draw ay hahataw na bukas at ang Pilipinas ay may­roon nang 12 manlalaro na kakampanya sa dalawang di­bisyon.

Tanging si Francis Casey Al­cantara ang diretsong nasa main draw dahil sa kanyang 39th ranking sa mundo habang lima pang kalalakihan at anim na kababaihan ang binigyan ng wild card ng Philippine Tennis Association.

Ang mga makakasama ni Alcantara sa boys singles ay si­na Jeson Patrombon, Leander Lazaro, Kim Ivor Sazara, Akio Sy at Jacob Lagman habang sina Anna Clarice Patrimonio, Patricia Joy Orteza, Marian Ja­de Capadocia, Shannin Mae Olivarez, Marinel Rudas at Ta­mitha Nguyen ang kasali sa kababaihan.

Ang atensyon ay tiyak na itu­tuon kay Patrombon na nag­hahangad na magkaroon ng ma­gandang kampanya para makahabol pa sa 1st Youth Olym­pic Games sa Singapore sa Agosto.

Ang mangungunang 50 junior netters sa mundo ang siyang imbitado at si Patrombon ay nasa 110th ranking na.

Papasok si Patrombon sa torneo buhat sa magagandang ipinakita sa dalawang ITF tournaments sa Thailand at Malaysia nang makapasok ito sa semifinals. (Angeline Tan)

vuukle comment

AKIO SY

ANGELINE TAN

ANNA CLARICE PATRIMONIO

CALVIN CHARLES CANLAS

DANIEL UM

FRANCIS CASEY AL

GABOR CSONKA

JACOB LAGMAN

PATROMBON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with