Cavs tinulungan ni James sa panalo

AUBURN HILLS, Mich.-- Naging malamya si LeBron James sa first period at naging eksplosibo naman sa final canto.

Nagposte si James ng 29 points, 12 rebounds at 12 assists para sa kanyang pang apat na triple-double ngayong NBA season at tulungan ang Cleveland Cavaliers sa 113-101 paggupo sa Detroit Pistons dito kahapon.

Bagamat malayo ang agwat sa final score, naglaban naman ang Cavaliers at Piston sa 10 lead chan­ges at 21 ties, ang huli ay sa 4:44 ng final canto.

Isang 19-7 atake, sa pa­ngunguna ni James, ang siyang ginawa ng Cle­veland upang tuluyan nang talunin ang Detroit.

Sa iba pang resulta, pi­nataob ng San Antonio Spurs ang Miami Heat, 88-76; dinispatsa ng L.A. Lakers ang Sacramento Kings, 106-99; hiniya ng Pheonix Suns ang Minnesota Timberwolves, 152-114 at namayani ang Indiana Pacers sa Charlotte Bobcats, 99-94.

Show comments