^

PSN Palaro

RP-711 bets napako sa 6th place

-

MANILA, Philippines - Sa pag-iwas sa anumang agawan sa puwesto, nanatili sa pang anim na po­sisyon ang Roadbike Phils.-711 matapos ang 149-kilometer seventh stop ng Binh Duong TV Cup Tour of Vietnam kamaka­lawa.  

Ngunit mas naging agresibo naman si rookie Nikko Cortez nang kunin ang fourth place sa intermediate sprint na bumaybay sa beach resort city ng Na Thrang to Phan Rang.

Nagtala ang 21-anyos na si Cortez ng tiyempong 02:14:12 kagaya ng 70 riders para sa huling dalawang yugto ng naturang nine-leg bikathon.

Nagsalo naman sina Lloyd Lucien Reynante at Merculio Ramos Jr. para sa 18th at 19th spots, habang nasa No. 32 at No. 34 sina Rhome Antonio at Mark Guebarra, ayon sa pagkakasunod.

Patuloy pa ring nakaupo si Reynante sa No. 17 overall sa kanyang oras na 18:31.45 sa ilalim nina Mongolian overall leader Tuguldur Tuulkhangai (18:29.54).

Ang RP-711 team ay nasa No. 6 overall sa kanilang aggregate time na 55:35.28 at 4:39 ang agwat sa overall team frontrunner Domesco Dong Thap (55:30.49 kasunod ang BVTV Saigion (55:30.52) at ADC-Truyen hinh Vin Long (55:30.59). 

BINH DUONG

CUP TOUR OF VIETNAM

DOMESCO DONG THAP

LLOYD LUCIEN REYNANTE

MARK GUEBARRA

MERCULIO RAMOS JR.

NA THRANG

NIKKO CORTEZ

PHAN RANG

RHOME ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with