^

PSN Palaro

RP yumuko sa UK sa Street Child WC

-

MANILA, Philippines - Bagamat naging matatag, natalo pa rin ang mga Pinoy sa United Kingdom, 2-4, sa pag­bubukas ng Deloitte Street Child World Cup sa Durban, South Africa kamakalawa.

Kinalaban ng mga Filipino street children ang mas malalaki at mas malalakas na mga English kids sa isang scoreless draw sa first half bago naiwanan sa 0-3 at makadikit sa 2-3.

Ang nasabing dalawang su­nod na goals ng koponan ay nanggaling kina MonMon Elona at Noriel Pideones.

Sa kabila ng pagkatalo, na­ging kuntento naman si RP team co-manager Craig Burrows sa inilaro ng mga RP street kids na tinawag niyang “Little Dynamites”.

“It’s a pretty good score. I don’t think you can find a Philippine team that can come up with as good a score against an English squad. We’ll just keep praying for our team,” ani Danny Moran, isang dating national player at presidente ng Moran Foundation.

Makakatagpo naman ng RP squad ang Tanzania ngayong alas-9 ng gabi.

Ang iba pang bansang kalahok ay ang Brazil, India, Nicaragua, South Africa, Ukraine at Vietnam.

BAGAMAT

CRAIG BURROWS

DANNY MORAN

DELOITTE STREET CHILD WORLD CUP

DURBAN

LITTLE DYNAMITES

MORAN FOUNDATION

NORIEL PIDEONES

SOUTH AFRICA

UNITED KINGDOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with