Isang special case ang Barako sa PBA--Barrios
MANILA, Philippines - Itinuring ni PBA Commissioner Sonny Barrios na isang ‘special case’ ang kalagayan ng Barako Energy Coffee.
Para sa darating na 2009-2010 PBA Fiesta Conference sa Marso 21, ang Harbour Centre ni Mikee Romero ang tatayong co-brand at sponsor ng Coffee Makers.
“It’s going to be difficult to say what is in store in the future,” ani Barrios kahapon sa lingguhang PSA sports forum sa Shakey’s sa U.N. Avenue, Manila. “This is a special case, a special request by the Barako Coffee Masters which the (PBA) Board acted on positively.”
Sa pagtulong ng Harbour Centre, si Junel Baculi ang siyang tatayong head coach kapalit ni Leo Isaac na magiging team consultant.
Ayon kay Barrios, wala na siyang nakikitang galaw ng Photokina franchise at Harbour Centre sa mga susunod na araw hinggil sa paglalaro ng ilang miyembro ng Philippine Patriots sa Barako Coffee.
“Kung hahaba pa ‘yung request nila this conference, mahirap sabihin kasi baka wala rin naman. Ang request kasi nila ay talagang para sa conference lang na ito. The (PBA) Board just tackled what was presented which was a co-branding agreement just for this conference,” ani Barrios.
Pinalagan na kamakalawa ng Purefoods at Air21 ang sinasabing pagsakop ng Harbour Centre sa Barako Coffee sa pamamagitan ng paglalaro nina Rob Wainwright at Jerwin Gaco.
“We want to make it clear that we’re still running the day-to-day operations of the Barako Bull team in the PBA,” ani Coffee Masters’ Board representative Raffy Casiao. Samantala, ang mga imports naman ang sinasabi ni Barrios na magdadala sa kampanya ng isang koponan para sa darating na PBA Fiesta Conference na pinagharian ng San Miguel sa pamamagitan ni Best Import Gabe Freeman.
“Ang susi doon, depensa sa import na makukuha mo eh,” ani Barrios. “Kasi kahit malakas ‘yung local line up mo, kapag minalas-malas kang hindi angkop ‘yung import mo sa team chemistry mo then you will not fare well.”
- Latest
- Trending