^

PSN Palaro

Cortez at Ritualo Together Again

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Sa unang pagkakataon sa kanilang career bilang mga professional basketball players ay magsasama sa iisang koponan sina Ren-ren Ritualo at Mike Cortez na dating magkakampi noong sila’y nasa colege para sa Dela Salle Green Archers sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Si Ritualo ay nagbalik sa Air21 Express (dating Burger King) matapos na ipamigay siya ng Talk N Text (kasama si Yancy de Ocampo) kapalit nina JR Quiñahan, Mark Yee at Aaron Aban.

Sa kabilang dako, si Cortez ay nakuha ng Air21 buhat naman sa San Miguel Beer kapalit ni Alex Cabagnot na tatlong games lang ang nalaro sa Express/Whoppers. Parang relay station lang pala ang Air21 kay Cabagnot na galing sa Coca-Cola Tigers.

Exciting ang posibleng kahinatnan ng tandem nina Ritualo at Cortez. Alam naman nating lahat kung ano ang naibigay ng duo na ito sa Green Archers noon. Ilang kampeonato din naman ang nakamtan ng La Salle dahil sa kanila.

Kasi nga, sa UAAP o sa amateur scene noon, si Ritualo ang pinakatatakutang shooter. Kahit naman noon pa’ng nasa high school siya sa San Beda ay kamador na talaga ang second generation player na ito na anak ni Florendo Ritualo Sr. (dating manlalaro ng Presto).

Kaya noong umakyat si Ritualo sa PBA noong 2002 ay marami ang naghangad na makuha ang serbisyo nito. Sinuwerte ang FedEx (o Air21)na masungkit siya. Pero nalipat din siya sa Talk N text matapos ang ilang seasons.

Kasabay ni Ritualo, si Cortez naman ang kinilalang pinakamahusay na point guard noong kabataan niya. Hindi lang siya maga­ling magpasa ng bola o mag-set ng plays, matindi din ang kanyang shooting hand at mahirap siyang pigilan sa mga drives.

Kaya naman noong 2003 ay naging Number One pick overall siya sa Draft at kinuha ng Alaska Milk. Kilala bilang “Cool Ca,” marami ang nagsabi na si Cortez ang susunod sa yapak ng dating Alaska Milk point guard na si Johnny Abarrientos.

Ang probema’y nagtamo siya ng knee injury at hindi din gaanong napakinabangan ng Aces. Nang gumaling ang kanyang tuhod ay ipinamigay naman siya ng Alaska Milk sa San Miguel Beer kapalit ni LA Tenorio.

Hayun at sa San Miguel ay yung kabilang tuhod naman ang nagkaroon ng injury. Operado na ang dalawang tuhod ni Cortez at parang “brand new” na ang mga ito.

Okay pa naman itong si Cortez. Ang siste’y maraming point guard sa San Miguel Beer. Nariyan sina Jonas Villanueva at Olsen Racela at bago nagsimula ang kasalukuyang season ay nakuha pa ng Beermen si Dennis Miranda buhat sa Sta. Lucia Realty. So, hati-hati silang apat sa playing time.

Puwede namang humaba ang playing time ni Cortez sa Air21 sakaling hindi pa makabalik sa active duty si Wynne Arbloleda. Si Egay Billones lang ang makakasosyo niya sa playing time. Kaya nga siguradong magbabalik ang tikas nito sa backcourt.

At kung babalik ang shooting ni Ritualo, ay tiyak na malayo ang mararating ng Express sa Fiesta Conference. 

AARON ABAN

ALASKA MILK

ALEX CABAGNOT

BURGER KING

CORTEZ

KAYA

NAMAN

RITUALO

SAN MIGUEL BEER

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with