^

PSN Palaro

Aussie kampeon sa Davao triathlon

-

MANILA, Philippines - Nagpasiklab uli si Rohan Force ng Australia nang manalo sa 2nd leg ng SPEEDO National Age Group Triathlon Champion­ship na idinaos kahapon sa Bay­walk Park sa Queensland Compound, Davao City.

Mula sa simula hanggang sa natapos ang 1k swim, 30k bike at 7k run event na inorganisa ng Triathlon Association of Davao ay nagdomina ang 41-anyos na si Force para kunin ang ikala­wang panalo sa triathlon event sa nasabing lugar.

May kabuuang isang oras, 35 minuto at pitong segundo si Force upang makuha ang ta­gumpay at maduplika ang pa­nalong ginawa sa nasabing ruta sa 6th Mayor’s Cup noong nakaraang taon.

Nangibabaw naman sa ka­b­abaihan ang 16-anyos na si Ma­ry Pauline Fornea na pinato­tohanan ang paniniwala ng TRAP na may potensyal siya na kuminang sa endurance sport na ito matapos mapasama sa na­tional training pool.

Naorasan si Fornea sa bilis na 2:09:21 upang maitala ang pinakamabilis na tiyempo sa kanyang hanay.

Si Fornea ay lilipad patu­ngong Subic upang dumalo sa Training Camp bilang pag­hahanda rin sa inaasahang paglahok niya sa Asian Juniors at U-23 Championship sa Mayo 1 at 2 sa Subic Bay Freeport. 

vuukle comment

ASIAN JUNIORS

DAVAO CITY

NATIONAL AGE GROUP TRIATHLON CHAMPION

PAULINE FORNEA

QUEENSLAND COMPOUND

ROHAN FORCE

SHY

SI FORNEA

SUBIC BAY FREEPORT

TRAINING CAMP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with