Basketball, tennis; marathon sa PSA Forum Bukas

MANILA, Philippines - Si PBA Commisisoner Sonny Barrios ang tampok na panauhin bukas sa pagbabalik ng PSA Sports Forum sa Shakey’s Un Avenue upang talakayin ang nalalapit na league’s import-flavored Fiesta Conference na magbubukas sa Marso 21.

Tatalakayin sa nasabing forum ang format ng tournament gayundin ang mga kalibre ng mga reinforcements na lalaro sa first half ng session na suportado ng Outlas Battery, Accel, Pagcor at Shakey’s.

Dadalo naman sa ikalawang bahagi ng forum na magsisimula sa alas-10:30 ng umaga ang mga executives at organizers ng Mitsubishi Lancer International Junior tennis tournament at si Ed Manda, ang lalaki sa likod ng “Around Laguna Lake Relay Marathon”.

Show comments