Mga beteranong dragon boat rowers sa Seasports Festival
MANILA, Philippines - Matinding labanan ang inaasahan sa dragon boat race at bancathon sa darating na Manila Bay Seasports Festival na gaganapin sa ika-20 at 21 ng Marso sa pamamahala ng Manila Broadcasting Company.
Ayon sa Philippine Dragon Boat Federation, lalahok sa mixed team championships ang Camarines Sur Dragon Boat team, Philippine Navy, Philippine National Police, Drago Pilipinas, Manila Dragons, Triton, One Piece Drakon Sangress, De La Salle University, University of the Philippines, San Beda College, Manila Wave, Manila Blazing Paddles, Manila Ocean Park, Rowers Club Philippines, Maharlika, PYROS at ang PDRT Fireblades na siyang nagwagi noong nakaraang taon.
Tampok naman ang batikang mga bangkero sa stock at formula races para sa mga bangkang de-motor.
Ang Manila Bay Seasports Festival ay proyekto ng MBC at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard. Suportado rin ito ng Gold Eagle Beer, Caltex, Lipovitan, Alaska, Smart Money, Filinvest, Revicon, M. Lhuillier, My Juice, Wings Detergent, Rhino Herbal Tea for Men, Briggs and Stratton at ng Cord Marine Epoxy.
- Latest
- Trending