Air21 import nabalian ng kamay, braso sa road mishap

MANILA, Philippines - Kailangan nang maghanap ang Air21 ng bagong import.

Ito ay matapos masangkot kahapon sa isang road mishap si Leroy Hickerson sa United States kung saan siya nabalian ng kamay at braso.

Si Hickerson ang sinasabing magi­ging kasasabikang reinforcement para sa darating na 2009-2010 PBA Fiesta Con­ference bunga ng pagiging slam dunk cham­pion sa Mexican league.

Ang San Miguel ang magdedepensa ng korona ma­tapos talunin ang Baragay Ginebra sa kanilang championship series.

Muling ipaparada ng Beermen si Best Import Gabe Freeman, iginiya ang Philippine Patriots sa paghahari sa ASEAN Bas­ketball League (ABL).

Samantala, iaapela naman ng Express sa PBA Board ang pagpapalarong muli kay pointguard Wynne Arboleda, na­patawan ng one-season suspension matapos ang pananakit sa isang basketball fan sa laro ng Burger King at Smart Gilas noong Oktubre 16.

Nakita lamang si Arboleda sa dalawang laro ng Whoppers sa nakaraang PBA Philippine Cup at iniupo ang 18 nilang asignatura. (Russell Cadayona)

Show comments