Semis sasampahan na ng Pharex B
MANILA, Philippines - Tatangkain ngayon ng mainit na Pharex B Complex na maisubi ang una sa dalawang outright semifinals seat sa pakikipagharap sa AddMix ngayong alas-2 ng hapon bago ang salpukan ng Ascof Lagundi at Fern-C sa alas-4 sa eliminatiopn round ng 2010 PBL PG Flex Erase Placenta Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Magkakasalo sa liderato ang Pharex, Cossack Blue at Excelroof mula sa magkakapareho nilang 4-1 rekord sa itaas ng Cobra Energy Drink (3-1), AddMix (2-3), Ascof Lagundi (2-3), Fern-C (1-4) at talsik nang Agri-FCA (0-5).
Kasalukuyang sumasakay sa isang three-game winning run ang Fighting Maroons ni coach Aboy Castro, ang pinakahuli rito ay ang kanilang 96-66 paggupo sa Spirits.
“I believe we will be in the semifinals. Right now, we are at number one spot,” ani Castro sa kanyang Pharex. “But it’s still a long way to go and I want to see my team in this position after the elimination to have that twice-to-beat advantage in the semifinals.”
Ang top two teams matapos ang eliminasyon ang siyang aangkin ng ‘twice-to-beat’ incentive sa Final Four.
Nanggaling rin sa isang malaking panalo ang Transformers ni Leo Austria makaraang ilampaso ang Cultivators, 90-49.
Sa ikalawang laro, asam naman ng Cough Busters ni Carlo Tan na mapalakas ang tsansa sa semis sa pakikipaglaban sa Ferntastics ni Bal David. (RCadayona)
- Latest
- Trending