Jones inaayos na ang susunod na laban ni Manny
DALLAS - Umaasa si Jerry Jones, ang Texas billionaire, na hindi ito ang una at huling pagkakataon na makikita niya si Manny Pacquiao sa Cowboys Stadium.
Ilang araw nang lumalabas na nakipag-ayos na ang 67-anyos na may-ari ng NFL team at ng $1.2 billion stadium ang pamamahala sa susunod na laban ni Pacquiao.
Maging ito ay kontra kina Floyd Mayweather Jr., Antonio Margarito, Edwin Valero o kaninuman.
“Should it ever work out as a great fight then we’d like to be right there to promote another one,” wika ni Jones sa panood sa open workout ni Pacquiao sa Convential Hall ng Gaylord Texan.
“Hopefully this is not the last time we’d host a Pacquiao fight,” dagdag pa nito.
Sinabi pa ni Jones, nasa oil at gas exploration business, na ang Filipino icon ang dahilan kung bakit niya kinuha ang “The Event”.
Nag-alok siya ng $25 milyon at kinapos pa rin laban sa Las Vegas para sana sa nabulilyasong Floyd Mayweather-Pacquiao super-fight.
“The main reason I wanted the Mayweather-Pacquiao fight was Manny. He is the draw. So, certainly when that didn’t work I still had the interest of getting him here at all cost. Whoever he decided to fight,” wika ni Jones.
- Latest
- Trending