25ERS, Cough Busters nagpalakas sa semis
MANILA, Philippines - Kapwa pinalakas ng Excelroof at Ascof Lagundi ang kanilang tsansa para sa semifinal round matapos sumandal sa kani-kanilang pointguard.
Humugot si Jimbo Aquino ng walo sa kanyang 12 puntos sa overtime period upang tulungan ang 25ers sa 87-83 panalo sa Fern-C Ferntastics, habang umiskor naman si Rob Labagala ng 15 marka sa 74-71 pananaig ng Cough Busters sa Cobra Ironmen sa elimination round ng 2010 PG Flex Erase Placenta Cup kahapon sa The Arena sa San Juan.
Pinamunuan ni Pamboy Raymundo ang Excelroof mula sa kanyang team-high 24 marka kasunod ang 13 ni 6-foot-6 Ian Sangalang at tig-12 nina Aquino at Chester Taylor at 11 ni Calvin Abueva.
Sina Taylor, Aquino at Abueva ang siyang sinandigan ng 25ers ni Ato Agustin sa extra period laban sa Ferntastics ni Bal David.
“It was a scary win but I have to take it. Mabuti na lang Calvin stepped up when we needed it most,” sabi ni Agustin sa kanyang Excelroof na may 4-1 baraha ngayon kasalo sa liderato ang Pharex B Complex at Cossack Blue.
Nalagpasan ng 25ers ang kinolektang game-high 30 puntos ni John Wilson para sa Ferntastics, may 1-4 rekord.
Makaraan ang dalawang sunod na basket ni Aquino para sa 69-66 lamang ng Excelroof, ipinasok naman ni Ray Maconocido ang isang three-point shot para bitbitin ang Fern-C sa overtime period, 69-69.
Sinimulan ni Taylor ang extra period mula sa isang tres para sa 72-69 bentahe ng 25ers patungo sa kanilang tagumpay sa Ferntastics. (Russell Cadayona)
Excelroof 87 – Raymundo 24, Sangalang 13, Aquino 12, Taylor 12, Abueva 11, Bulawan 7, Del Rio 4, Agustin 2, Delgado 2.
Fern-C 83 – Wilson 30, Espiritu 14, Escueta 7, Maconocido 7, Semira 6, Evangelista 5, Dizon 4, Co 4, Walsham 2, Thiele 0.Quarterscores: 23-16; 35-33; 52-49; 69-69; 87-83 (OT).
Ascof Lagundi 74 – Labagala 15, Canlas 12, Gamalinda 12, Asoro 12, Aguilar 9, Leynes 7, Laneta 3, Bustos 2, Co 2, Uyloan 0, Cole 0.
Cobra 71 – Cabahug 24, Lee 11, Llagas 8, Reyes 7, Hayes 7, Aguilar 4, Fampulme 4, Torres 2, Sarangay 2, Mangahas 2, Barua 0.
Quarterscores: 16-11; 40-30; 58-48; 74-71.
- Latest
- Trending