Penny malabo pa sa Coca-Cola
MANILA, Philippines - Nakausap na ng Coca-Cola si James Penny para sa kanyang ikalawang sunod na pagbandera sa mga Tigers sa darating na 2009-2010 PBA Fiesta Conference na nakatakda sa Marso 21.
Ngunit mas tiningnan ni Penny ang opsyon niya sa ibang basketball league na inaasahang magbibigay sa kanya ng mas malaking suweldo.
Nagposte si Penny, nagbigay sa Red Bull ng PBA crown noong 2006, ng mga averages na 26.1 puntos at 12.7 rebounds para sa Coke sa kanyang 11 laro sa nakaraang Fiesta Conference na pinagharian ng San Miguel.
Bago si Penny, pinasali ng Coke ni coach Bo Perasol sa tryout si Jason Forte, kapatid ng dating Boston Celtics at Seattle Supersonics guard na si Joseph Forte.
Subalit hindi nagustuhan ng coaching staff si Forte.
Bukod sa Tigers ang iba pang koponang wala pang nakukuhang reinforcement ay ang Purefoods Tender Juicy Giants at ang Barako Bull Energy Boosters, hinugot sina 6-foot-4 Jerwin Gaco at Al Vergara.
Ipaparada naman ng Talk ‘N Text ang European League veteran na si Eric Hicks, produkto ng University of Cincinatti at naglaro para sa Miami Heat at Boston Celtics sa NBA Summer League.
Ang iba pang tropang may import na ibabandera ay ang Air21 (Leroy Hickerson), Alaska (Diamon Simpson), San Miguel (Gabe Freeman), Rain or Shine (Jai Lewis), Barangay Ginebra (Awvee Storey) at Sta. Lucia (Anthony Johnson). (RC)
- Latest
- Trending