MANILA, Philippines - Ang tagumpay na natamo sa ABL ay ipagdiriwang ng koponan sa pagtanggap ng mga kasapi ng Patriots ng kanilang championship ring sa isang seremonya na gagawin ngayon sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Matapos ang limang buwan ay nakamit ng Patriots ang kauna-unahang titulo nang magdomina mula sa eliminasyon hanggang sa Finals na kung saan winalis nila ang limang laro sa Playoff kontra sa Kuala Lumpur Dragons sa semifinals at Satria Muda Britama ng Indonesia sa Finals.
Bago ito ay nagtala ng 11-4 karta ang koponan sa triple round elimination para maging number one at nilakipan ang mabungang kampanya nang hindi man lamang natatalo sa sariling homecourt.
“This is a great moment for Philippine basketball. Our championship is a testament that we’re still the best in the region,” banggit pa ni Romero.