^

PSN Palaro

Uzbek bugbog kay Moralde, umusad sa semis vs Indian bet

-

MANILA, Philippines - Binugbog ni Engelbert Moralde ng PLDT-Team Philippines ang kalabang Uzbekis­tan sa iskor na 5-1 nitong Sabado ng gabi, ga­mit ang kumbinasyon ng bilis at depensa upang umusad sa 148-kilogram semifinals ng 19th Asian Youth Boxing Championship sa Tehran’s Shahid Shiroudi Complex sa Iranian Capital.

Susunod na makaka­sagupa ni Moralde, mula sa Davao City at nadiskubre ng Amateur Boxing Asso­ciation of the Philippines sa Youth Championship sa Puerto Princesa noong nakaraang taon, ang pambato ng India sa Martes para sa gintong nakataya sa light flyweight.

Si Moralde na naipanalo ang lahat ng kanyang tatlong rounds, ang nalalabing Filipino sa tournament na tinampukan ng 140 boxers mula sa 20 bansa matapos na maagang nasibak sa 51-kilogram flyweight class si Daryly Basadre at ang kabiguan naman sa se­cond round ni flyweight Jenno Cabugngan nitong Biyernes.

Nagawa pang makaporma ni Cabugngan, mula sa Tagbilaran, Bohol sa kalaban sa first round kung saan umangat pa ito sa Turkmenistan. Ngunit pagsapit ng second round nawala ito sa pokus at konsentrasyon na sinaman­tala naman ng Turkmen boxer upang agawin ang tempo.

AMATEUR BOXING ASSO

ASIAN YOUTH BOXING CHAMPIONSHIP

DARYLY BASADRE

DAVAO CITY

ENGELBERT MORALDE

IRANIAN CAPITAL

JENNO CABUGNGAN

PUERTO PRINCESA

SHAHID SHIROUDI COMPLEX

SI MORALDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with