^

PSN Palaro

Spirits naudlot sa semis, Cultivators sibak na

-

MANILA, Philippines - Isang koponan ang na­pigilan sa pag-angkin sa una sa dalawang outright semifinals berth, habang isang tropa naman ang tu­luyan nang napatalsik sa kontensyon.

Pinigil ng Pharex B Com­plex ang pag-entra ng Cossack Blue sa semifinal round nang kunin ang 96-66 tagumpay, samantalang inilampaso naman ng Add­Mix ang Ani-FCA, 90-49, sa elimination round ng 2010 PBL PG Flex Erase Pla­centa Cup kahapon sa The Arena sa San Juan.

Umiskor si Woody Co ng 18 puntos, kasama rito ang tatlong three-pointers, para idikit ang Fighting Maroons sa Spirits sa liderato kasunod ang Excelroof 25ers (3-1), Cobra Ironmen (3-1), Transformers (2-3), Fern-C Ferntastics (1-3), Ascof Lagundi Cough Busters (1-3) at sibak nang Cultivators (0-5).

Mula sa 31-11 abante sa first quarter, sinandigan ng Pharex sina Co, Vic Manuel, JR Tecson at Ford Arao para itumpok ang isang 21-point lead sa halftime.

Tuluyan nang isinuko ng Cossack ang laban nang mabaon sa isang 30-point deficit, 68-38, papunta sa final canto.

Nakahugot ang Spi­rits, dating nagbandera ng malinis na 4-0 kartada, ni Rene Baena ng 15 puntos kay Jorel Canizares, 14 kay Jay-R Taganas at 9 kay James Martinez.

Sa unang laro, kinuha naman ng AddMix ang 40-30 lamang sa halftime hanggang iwanan ang Ani-FCA sa third quarter, 62-37.

“It’s a good thing na nanalo kami. Confidence-builder ito dahil must win ang mga remaining games namin against Pharex B at Cossack Blue para ma­­kapuwesto kami sa se­mi­finals,” wika ni coach Leo Austria sa kanyang Transformers.

Ang naturang 41-point loss ng Cultivators ni Toto Dojillo ay ang pinakamalaki nang losing margin makaraan ang 45-89 pag­ka­talo ng Red Bull sa Montana noong Mayo 17, 1999.

Makakasagupa ng AddMix ang Pharex sa Hu­webes at ang Cossack sa Marso 18 na magde­de­termina sa kanilang pag­­pasok sa semis. (RC)

Pharex 96 – Co 18, Manuel 13, Tecson 10, Arao 10, Adolfo 8, Reyes E. 8, Reyes M. 7, Braganza 6, Hipolito 4, Sison 4, Lopez 3, David 3, Astroga 2, Maniego 0.

Cossack 66, Canizares 15, Taganas 14, Martinez 9, Reyes 6, Simpson 5, Etrone 5, Afable 2, Zamar 2, Duran 2, Morillo 0, Noble 0, Flores 0.

Quarterscores: 31-11; 49-28; 73-48; 96-66.

ASCOF LAGUNDI COUGH BUSTERS

COBRA IRONMEN

COSSACK BLUE

FERN-C FERNTASTICS

FIGHTING MAROONS

FLEX ERASE PLA

FORD ARAO

JAMES MARTINEZ

PHAREX

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with