^

PSN Palaro

Amit sumargo kay Lin sa Amway Women's World 9-Ball

-

MANILA, Philippines - Natikman ni reigning WPA Women’s World 10-ball, champion Rubilen Amit ang kanyang unang pagkatalo matapos na payukurin ni Yuan Chun-Lin ng Chinese Taipei, 5-7 sa pagpapatuloy ng hostilidad ng 2010 Amway WPA Women’s World 9-Ball Open kahapon sa Core Pacific Living Mall Hotel sa Taipei, Taiwan.

Bunga ng kanyang nalasap na kabiguan, bumagsak si Amit sa 2-1 win-loss card sa Group E stage match habang umangat naman si Yuan Chun- Lin na mayroong malinis na 3-0 win-loss card.

Unang dinispatsa ni Amit ang mga kalabang sina Maureen Seto ng Canada (7-1) at Kynthios Orfanidis ng Netherlands (7-4), ayon sa pagkakasunod nitong Huwebes habang dinaig naman ni Yuan Chun- Lin sina Orfanidis (7-4) at kababayang si P. C. Lin (7-4), ayon sa pagkakasunod. Tanging pag-asa ni Amit na makapasok sa susunod na round ay maipanalo ang nalalabing laban.

Kabilang sa may 2-1 win-loss slate sa Group E sina WPA Women’s World No.1 Karen Corr ng Ireland na nakabalik sa kontensyon matapos na manalo kina Maureen Seto, Canada ng, (7-1) at Kynthios Orfanidis ng Netherlands, (7-2).

 Ang Group stage ay hinati sa 8 groups na may tig 6 pla­yers sa bawat group. Ginamit sa competition ang race-to-7 round-robin format na may na­kalaan na US $20,000 top prize.

vuukle comment

ANG GROUP

BALL OPEN

CHINESE TAIPEI

CORE PACIFIC LIVING MALL HOTEL

GROUP E

KAREN CORR

KYNTHIOS ORFANIDIS

MAUREEN SETO

RUBILEN AMIT

WORLD NO

YUAN CHUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with