Overall lead inagaw na ni Veilleux
SUBIC, Philippines - Inangkin ni David Veilleux ng Kelly Benefits Strategies ang overall lead sa seventh stage ng 2010 LPGMA Tour of Luzon kahit na umagaw ng eksena sina James Perry at Dennis Von Nickalk ng EMG Cycling Team.
Nagrehistro si Veilleux ng oras na 4:05:17.58 para ipunin ang kabuuang 16:41:14.47 at agawin ang yellow jersey sa kakamping si Reid Mumford.
Tumapos si Veilleux bilang pangatlo sa naturang 137-kilometer race mula sa Cubi Point hanggang sa bulubundukin ng Pilar, Bataan sa ilalim nina Perry (04:05:4.42) at Nickalk (8.16 segundo ang agwat) sa nasabing Tour na suportado ng partylist LPGMA, Geo Estate Beacon, American Vinyl, Smart, Energizer, Schick at Liquigaz.
Pumang apat naman si Baler Ravina ng Liquigaz mula sa kanyang tiyempong 23.99 kasunod sina Irish Valenzuela ng American Vinyl at Mumford (27.7), bago pumasok ang grupo ng mga American na sina Vinyl’s Cris Joven at Tomas Martinez ng Smart.
“It’s going to be difficult but we have to protect it,” wika ng 22-anyos na si Veilleux mula sa Montreal, Canada. “If we hold it together, I suppose we can maintain the lead.”
Tinanghal naman si Tomas Martinez ng Smart, inangkin ang Stage 5 sa San Jose, Tarlac, bilang Burlington King of the Mountain nang kumolekta ng 18 puntos at talunin si Nickalk (14 puntos).
Bunga ng kanyang pagkuha sa Stage 7, umakyat si Perry sa ikapaat na puwesto sa overall na may tiyempong 3:03.87 na sinundan nina Ravina (3:07.01), Ryan Anderson ng Kelly Benefits (3:32.14), Tagaytay’s Jay Tolentino (4:28.55), Valenzuela (4:29.83), Martinez (4:44.71) at Arnel Quirimit ng Liquigaz (5:39.68).
Ang Stage 8 ay isang criterium sa loob ng Subic Airport Loop bago bumalik ang karera sa Metro Manila para sa Ayala Triangle circuit bukas.
Ang mga kumumpleto sa top 15 ay sina Smart’s Joel Calderon, American Vinyl’s Cris Joven, Oscar Rendole (Smart), Renato Sembrano ng Geo Estate Beacon, Chua Wai Man ng Chamoion System Racing Team atJoseph Millanes (Smart).
- Latest
- Trending