MANILA, Philippines - Ang aktibong pakikilahok sa palakasan ay nakakatulong sa paghubog ng katauhan ng mga mamamayan kaya nararapat paunlarin at palawakin.
Ito ang sinabi ni Quezon City Vice Mayor Herbert “Bistek” Bautista sa ika --9 Batang QC Olympics sa lunsod na nilahukan ng 2,000 atleta mula sa 145 barangays.
Katuwang ni Bautista sa proyekto sina Mayor Feliciano Belmonte Jr. at anak na si Joy Belmonte na umaasa na magiging daan ang paligsahan para maisabuhay ng mga kabataan ng Lungsod Quezon ang sportmanship, katapatan at pagiging patas sa lahat ng bagay.
Ayon kay Bautista, makakabuti kung mamumuhunan ang mga lokal na pamahalaan sa palakasan upang maipakita ang kahusayan ng mga kabataan sa kani-kanilang larangan.
Mahigit 2,000 batang atleta ang lumahok sa Batang OC Olympics na ginanap sa Amoranto Stadium sa Scout Chuatuco, Barangay Roxas, Quezon City kahapon.
Ayon naman kay Joy Belmonte, kailangang maging prioridad ng bawat mamamayan hindi lamang mga atleta ang kanilang kalusugan hindi lamang sa paglalaan ng pagbibigay ng wastong pagkain kung hindi sa pamamagitan ng pag-eehersisyo.
Itinaas naman ni Joy ang moral ng mga atleta sa pagkakaroon nila ng tiwala sa sarili sa harap ng napakaraming pagsubok na kinakaharap sa buhay.