'DZMM Takbo Para sa Kalikasan sa Linggo na

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Piolo Pas­cual ang Team Kapamilya sa nalalapit na ‘DZMM Takbo Para sa Kalikasan Year 11’ ngayong Linggo (Feb. 28) sa Qui­rino Grandstand.

Kasama niyang tatakbo si Jake Cuenca ng ‘Rubi,’ Enchong Dee ng ‘Tanging Yaman,’ Maricar Reyes ng ‘Kung Tayo’y Magkakalayo,’ mga DZMM anchors, reporters, at libu-libong mananakbo, estudyante, at mga tagapagtanggol ng  kalikasan.

Darating rin si Bise Presidente Noli de Castro upang ipa­kita ang suporta sa labing-isang taong fun run, na ngayo’y tutulong naman sa paglilinis ng Pasig River sa pamamagitan ng Bantay Kalikasan.

Show comments