RP booters lalahok sa Street Child World Cup suportado ni Pacquioa

MANILA, Philippines - Nakatakdang harapin ng mga Filipino street children ang mga Brazilians sa Deloitte-Street Child Word Cup na sisipa sa Marso 14-23 sa Durban, South Africa.

Kabilang ang mga Fili­pino booters sa Group B kasama ang Tanzania at Ukraine, habang nasa Group A naman ang South Africa, India, Nicaragua at United Kingdom.

Ang nasabing Deloitte-sponsored soccerfest ay isang side event para sa darating na 2010 World Cup finals sa Hulyo.

Ang 1st Philippine Na­tional Street Children team ay sinusuportahan ng Deloitte, Angus Lawson Memorial Trust, Deutsche Bank, Mitre, Whitehouse Scientific, Amos Trust, Bayanihan National Dance Co., Tesoro’s, Amici pizza pasta, at halos 20 individual supporters.

Isa na sa mga tumata­yong ‘Ninong’ ay si world boxing champion Manny Pacquiao.

Habang ang Brazil ang No. 2 sa FIFA senior international ratings, No. 167 na­man ang mga Filipino booters.

Ang koponan ay kina­bibilangan nina Erica Ino-cencio (team captain), Mario Titoy, Roberto Orlandez, MonMon Elona, Blueshark Gaerlan, Noriel Pineones, Jayson Simangan, Lorelyn Cabanayan at Ladylyn Ampe at mga alternates na sina Gerry Boy Joaquino at Jonah Gar­­rido.

Ang head coach ay si Jess Landagan.

Show comments