^

PSN Palaro

Pharex-B, Ascof Lagundi rumesbak

-

MANILA, Philippines - Isang draftee ng Alaska sa nakaraang PBA Rookie Draft ang nagbida para sa panalo ng mga Cough Busters.

Kumonekta si Sean Co ng isang three-point play kay Gio Ciriacruz sa huling 37.2 segundo upang ibigay sa Ascof Lagundi ang ma­laking 80-76 tagumpay kon­tra AddMix sa elimination round ng 2010 PBL PG Flex-Erase Placenta Cup kahapon sa The Arena sa San Juan.

Nagdagdag si Bam Bam Gamalinda ng 20 pun­tos para sa Cough Bus­ters kasunod ang 16 ni Co at tig-11 nina JR Gerilla at Edwion Asoro.

May 1-2 baraha ngayon ang Ascof Lagundi kagaya ng AddMix sa ilalim ng Cobra Energy Drink (2-0), Cossack Blue (2-0), Excelroof (2-0) at Pharex B Complex (2-1) kasunod ang ANI-FCA (0-2) at Fern-C (0-3).

Sa inisyal na laro, binigo naman ng Fighting Maroons ang Ferntastics, 85-77, sa kabila ng ibinuhos na game-high 32 produksyon ni 2009 NCAA Most Valuable Player John Wilson.

Ipinoste ng Pharex B ang isang 13-point lead sa pagsisimula ng fourth period bago kumayod si Wilson para ilapit ang Fern-C sa 70-73 agwat sa huling dalawang minuto ng laro.

Dalawang freethrows ang ipinasok ni Vic Manuel kasunod ang three-point shot ni Woody Co para muling ilayo ang Fighting Maroons sa Ferntastics sa huling 1:04 ng laro.

Kumabig si Marlon Adolfo ng 15 puntos para pangunahan ang Fighting Maroons sa itaas ng 14 ni Manuel, 12 ni Co at 10 ni Alvin Braganza.

Nagbida naman si Wilson para sa Ferntastics ni Bal David mula sa kanyang game-high 32 marka. (Russell Cadayona)

ALVIN BRAGANZA

ASCOF LAGUNDI

BAL DAVID

BAM BAM GAMALINDA

COSSACK BLUE

COUGH BUS

COUGH BUSTERS

EDWION ASORO

FERNTASTICS

FIGHTING MAROONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with