^

PSN Palaro

Ex-Miss Teen Philippines-USA magbibigay ningning sa PSA Awards Night

-

MANILA, Philippines - Haharanahin ni Viva re­cording artist Triz Reyes ang mga pararangalan at panauhin sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night na itinatampok ng Coca-Cola sa Marso 1 sa Manila Hotel.

Ang dating Miss Teen Philippines-USA ay isa lamang sa mga mang-a­awit na naging panauhin sa naturang annual event katulad nina Kyla, The Dawn, Mojofly, at iba pa.

Ang pag-awit ni Reyes ay inaasahang magbibi­gay ningning sa naturang two-hour rite kung saan pararangalan si boxing su­perstar Manny Pacquiao bilang Athlete of the Decade ng sportswriting fraternity.

Sina pool player Ru­bilen Amit, trackster Marestella Torres, at taekwondo jins Cecille Alarilla, Janice Lagman at Rani Ann Ortega ang tinanghal na Athlete of the Year.

Magiging guest of honor naman ng nasabing event na suportado ng Smart, Pa­cific Online System Corporation, Philippine Sports Commission, Harbour Cen­tre, Accel at PCSO si Senator Francis ‘Chiz’ Escudero.

Kabuuang 76 persona­lidad at asosasyon ang ga­gawaran ng parangal ng PSA, binubuo ng mga sportswriters at editors mula sa iba’t ibang national broadsheets at tabloids.

Pamumunuan ni bo­xing champion Annie Albania ang 19 pang tatanggap ng major awards, habang ibibigay naman ang special awards sa 38 gold medal winners ng 25th Southeast Asian Games sa Laos.

Ang mga tatanggap naman ng Tony Siddayao Youth Award ay sina po­wer­lifter Patricia Llena at youth golfer Carlos Philippe Winsett Palanca.

ANNIE ALBANIA

ANNUAL AWARDS NIGHT

ATHLETE OF THE DECADE

ATHLETE OF THE YEAR

CARLOS PHILIPPE WINSETT PALANCA

CECILLE ALARILLA

HARBOUR CEN

JANICE LAGMAN

MANILA HOTEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with