^

PSN Palaro

2 dikit na panalo sa Cossack

-

MANILA, Philippines - Kung si Jay-R Taganas ang nagbida sa kanilang debut game, si Jorel Ca­ñi­zares naman ang nama­yani para sa ikalawang su­nod na panalo ng Cossack Spirits.

Isinalpak ng dating Red Warrior ng University of the East ang isang three-point shot sa natitirang 5.1 segundo upang gabayan ang Cossack Blue sa 88-87 paglusot sa Ascof Lagundi sa elimination round ng 2010 PBL PG Flex-Erase Placenta Cup kahapon sa The Arena sa San Juan.

Ito ang ikalawang dikit na ratsada ng Cossack Spirits ni coach Rene Baena matapos igupo ang Fern-C, 81-77, noong nakaraang Huwebes.

Ang tumalbog na jump shot ni Von Lanete sa posesyon ng Cough Busters ang nagresulta sa rebound ni Taganas kasunod ang pasa kay Canizares para sa winning 3-pointer nito sa huling 5.1 segundo.

Tuluyan nang nalasap ng Ascof Lagundi ni Carlo Tan ang kanilang pangalawang sunod na kabiguan nang tumira ng kapos si Bam Gamalinda sa pagtunog ng final buzzer.

Katabla ngayon ng Cossack Spirits para sa liderato mula sa magkakatulad ni­lang 2-0 rekord ang Cobra Ironmen at Excelroof 25ers.

Humugot si Cañizares ng 11 sa kanyang game-high 22 puntos sa fourth quarter para pangunahan ang Cossack kasunod ang 20 ni Earn Saguindel. (RC)

Cossack Blue 88 - Cañizares 22, Saguindel 20, Martinez 18, Reyes 11, Afable 10, Duran 3, Taganas 2, Za­mar 2, Flores 0, Morillo 0.

Ascof Lagundi 87 - Gamalinda 19, Gerilla 19, Lanete 11, Aguilar 10, Bauzon 7, Labagala 6, Melegrito 5, Canlas 3, Mazo 3, Co 2, Buyloan 2.

Quarterscores: 24-19; 37-41; 66-65; 88-87.

vuukle comment

ASCOF LAGUNDI

BAM GAMALINDA

CARLO TAN

COBRA IRONMEN

COSSACK BLUE

COSSACK SPIRITS

COUGH BUSTERS

EARN SAGUINDEL

FLEX-ERASE PLACENTA CUP

JAY-R TAGANAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with