Sosyo sa liderato pakay ng Cossack Blue vs Ascof Lagundi

MANILA, Philippines - Mula sa magandang pani-mula, pipilitin ng Cossack Blue na makisalo sa liderato sa elimination round ng 2010 PBL PG Flex-Erase Placenta Cup.

Sasagupain ng Cossack Blue ang Ascof Lagundi nga-yong alas-2 ng hapon kasunod ang banggaan ng AddMix at Fern-C sa alas-4 sa The Arena sa San Juan.

Kasalukuyang magkasalo sa unahan ang Cobra Energy Drink at ang Excelroof mula sa magkatulad nilang 2-0 kartada.

Tinalo ng Cossack Spirits ang Ferntastics, 81-77, sa kanilang unang laro noong nakaraang Huwebes, samantalang yumukod naman ang Cough Busters sa 25ers, 82-73.

Sa nasabing pananaig sa Fern-C, kumolekta si 6-foot-3 Jay-R Taganas ng 11 puntos at 17 rebounds para sa Cossack.

“I hope we can score more wins to make the management happy. Hopefully we can get the services of James Martinez in time for our second game,” wika ni head coach Rene Baena sa kanyang Cossack Spirits.

Maliban sa San Beda Red Lion na si Taganas, ibabanderang muli ng Cossack sina Raffy Reyes, Paul Zamar at Earn Saguindel katapat sina JR Gerilla, Mark Canlas at Rob Labagala ng Ascof Lagundi.

Sa ikalawang laro, mag-u­unahan namang bumangon mula sa kabiguan ang AddMix, ipaparada ang ilang Adamson Falcons, ni Leo Austria at ang Fern-C ni Bal David. (Russell Cadayona)

Show comments