^

PSN Palaro

Buenavista kampeon sa Century Tuna Superbods Run

-

MANILA, Philippines - Hindi pinahintulutan ni Eduardo Buenavista na ma­ipagpatuloy ng mga Ken­­yan runners ang pag­do­domina sa mga local ra­ces nang mangibabaw ito sa Century Tuna Superbods Run 2010 kahapon sa Glo­bal City, Taguig.

Ang karerang nilahukan ni Buenavista ay sa 21K dis­tansya at nakaharap nga niya sina Willy Tanui at Willy Rotich ng Kenya ngu­nit nasa pinakamagandang kondisyon ang pambatong runner ng bansa para ma­ka­pagdomina mula sa si­mu­la hanggang natapos ang karera.

“Kondisyon ako dahil tune-up ko ang karerang ito para sa pagsali ko sa Hong Kong Standard Mara­thon next week. Kaya mula sa simula ay ako ang nagdikta ng pacing at hanggang natapos ay ako ang na­ngu­nguna,” ani Buenavista na naorasan ng 1:08:18.

Tinalo niya si Tanui na may­roong 1:10:13 na mas ma­bilis lamang ng limang segundo sa kababayang si Rotich (1:10:18).

Ang panalo ni Buena­vista ay nagkahalaga ng P42,000 habang nakontento ang dalawang Kenyans sa P21,000 at P10,500 gan­timpala.

Si Maricel Maquilan na­man ang nagdomina sa kababaihan nang talunin sina Nhea Ann Barcena at Aileen Tolentino sa naitalang 1:28:29 tiyempo.

Sina national athletes Rene Herrera at Mercedita Manipol-Fetalvero ay nagpasikat din nang kanilang wa­lisin ang 10K titles.

Si Herrera ay naorasan ng 35:49 upang talunin sina Alquin Bolivar (35:55) at Cristabel Indapan (36:16) habang si Fetalvero ay nag­­sumite ng tiyempong 40:20 upang hiyain sina Ellen Tolentino (40:25) at Janet Lumibao (40:40).

Nanalo naman si Ge­rald Sabal (16:08) kina Jujet De Asis (16:30) at Ben Alejandrino (16:32) sa 5K men habang si Serenata Saluan (27:13) ang nagkampeon sa kababaihan matapos da­igin sina Merlyn Lumag­bas (27:17) at Corazon Sal­cedo (27:20). Sina Roger Genolo at Christine Delfin naman ang nagdomina sa 3-K races. (Angeline Tan)

vuukle comment

AILEEN TOLENTINO

ALQUIN BOLIVAR

ANGELINE TAN

BEN ALEJANDRINO

BUENAVISTA

CENTURY TUNA SUPERBODS RUN

CHRISTINE DELFIN

CORAZON SAL

CRISTABEL INDAPAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with