^

PSN Palaro

2 torneo inihanda ng PFA bilang paghahanda sa Asian Games

-

MANILA, Philippines - Bilang pahahanda para sa darating na 16th Asian Games sa Guangzhou, Chi­na, dalawang torneo ang nakatakdang idaos ng Philippine Fencing Association (PFA).

Ito ay ang Asian Juniors at Cadet Championships na idaraos sa Marso 4-14 sa ULTRA sa Pasig City.

Ang naturang mga torneo, ayon sa bagong fen­cing association president na si Atty. Victor Africa ang kanilang magiging basehan para sa pagpili ng bubuo sa koponang isasabak sa 20­10 Guangzhou Asiad sa Nob­yembre.

Ang mga binigyan na ng PFA ng puwesto para sa national team ay sina Wally Mendoza (saber), Emerson Segui (foil) at Harlene Orendain (epee).

Umabot na sa 30 bansa ang nagpadala ng kanilang kumpirmasyon kay Africa pa­ra lumahok sa naturang dalawang Asian level competitions.

“The Philippines is lucky for having been selected the venue of the twin competitions which is regarded as the future, not only the Philippine fencing but, likewise, that of Asia as the best fencers in the region aged 12-20 will be seeing action,” ani Africa sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura, Malate, Manila.

Ang mga kategorya pa­ra sa nasabing torneo ay ang cadet para sa mga may edad 12-anyos hanggang 17-anyos at ang junior (17-20). (RCadayona)

ASIAN GAMES

ASIAN JUNIORS

CADET CHAMPIONSHIPS

EMERSON SEGUI

GUANGZHOU ASIAD

HARLENE ORENDAIN

PADRE FAURA

PASIG CITY

PHILIPPINE FENCING ASSOCIATION

VICTOR AFRICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with