^

PSN Palaro

Solong liderato nakataya sa sagupaang Cobra, Pharex B

-

MANILA, Philippines - Maliban sa Cobra Energy Drink ni coach Lawrence Chongson, ang Excelroof rin ni mentor Ato Agustin ang sinasabing magiging paborito sa 2010 PBL PG Flex-Erase Placenta Cup.

Ibinabandera ng 25ers ang ilang miyembro ng fi­ve-time NCAA champions San Sebastian College-Recoletos na naghari sa nakaraang 85th season ng NCAA kontra three-peat titlists San Beda College.

Sa kanilang debut ga­me noong Martes, tinalo ng Excelroof ang bigating As­cof Lagundi, 82-73.

Para sa PBL tournament, halos tatlong linggo la­­mang naghanda ang mga 25ers, ayon kay Agustin. 

“I was surprised to see how the players responded since I told them that this is not the same level as pla­ying in the NCAA or the Collegiate Champions Cup. This is the PBL which is more physical,” sabi ni Agustin.

Hangad ang kani­lang ikalawang sunod na pa­nalo, makakatagpo ng Ex­celroof ang ANI-FCA nga­yong alas-4 ng hapon matapos ang laro ng Cobra at Pharex B Complex sa alas-2 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Pangungunahan nina Jimbo Aquino, Calvin Abueva, Pamboy Raymundo at Ronald Pascual ang 25ers katapat sina JR Sena, Marc Cagoco, Neil Pascual, Chris Luanzon at Gary Sevilla ng Agrinurture.

Nanggaling ang Ani-FCA sa isang 62-82 pagyukod sa Pharex B noong Huwebes.

Kagaya ng Excelroof, nagmula rin sa magkahiwalay na panalo ang Co­bra at Pharex B para pun­tiryahin ang kanilang pangalawang dikit na panalo sa torneo.

Binigo ng Ironmen ang AddMix Transformers, 81-77, sa likod ng pagkolekta ni Paul Lee ng 18 sa kanyang 25 puntos sa fourth quarter, habang pinayukod naman ng Pharex B ang Agrinurture, 82-62, noong Huwebes.

Pamumunuan nina Lee, Parri Llagas, Jai Re­yes, James Mangahas at Paul Zamar ang Ironmen kontra kina Vic Manuel, Chico Tirona, JR Tecson, Mar­tin Reyes at Ford Arao ng Pharex B. (RC)

AGRINURTURE

AGUSTIN

ATO AGUSTIN

CALVIN ABUEVA

CHICO TIRONA

CHRIS LUANZON

COLLEGIATE CHAMPIONS CUP

EXCELROOF

PHAREX B

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with