^

PSN Palaro

So tumabla uli vs Russian GM

-

MOSCOW, Russia -- Mula sa mainitang laban, nauwi sa isang draw ang laro nina Filipino GM Wesley So at GM Artyom Timofeev ng Russia sa se­venth round ng 2010 Aeroflot Open chess tounament dito sa Hotel Gamma-Delta.

Nagdesisyon ang 17th-seeded na si So, may ELO rating na 2656, at ang 20th-ranked na si Timofeev (ELO 2652) matapos ang pang 21st move ng Russian na kumuha sa pawn ng Filipino.

Kapwa may hawak sina So at Timofeev ng queen, rook, bishop at limang pawns.

Tumabla ngayon ang 16-anyos na si So sa sixth hanggang 16th places mula sa kanyang 4.5 points sa ilalim nina GMs Ian Nepomniachtchi, Boris Savchenko at Boris Grachev ng Russia at GMs Le Quang Liem at Nguyen Ngoc Truong Son ng Vietnam.   

May tatlong panalo, tatlong draws at isang talo ngayon si So sa naturang nine-round tournament.

Kaagaw ni So para sa top junior player award sina GM Sanan Sjugirov ng Russia at GM Eltaj Safarli ng Azerbaijan.

 Muli namang natalo si GM Darwin Laylo sa kanyang laban matapos yumukod kay GM Alexei Iljushin (ELO 2551) ng Russia.

AEROFLOT OPEN

ALEXEI ILJUSHIN

ARTYOM TIMOFEEV

BORIS GRACHEV

BORIS SAVCHENKO

DARWIN LAYLO

ELTAJ SAFARLI

HOTEL GAMMA-DELTA

IAN NEPOMNIACHTCHI

LE QUANG LIEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with