Miriam dumapa sa CSA sa WVL

MANILA, Philippines - Inangkin ng Colegio San Agustin’s youthful spikers ang pangunguna sa elementary (competitive) division nitong Linggo matapos na talunin ang Mirriam College sa labanan ng walang talong leaders sa 14th Women’s Volleyball League sa Saint Pedro Poveda College gym.

Inilista ng CSA ang 25-12, 25-23 panalo upang palakasin ang kanilang kampanya sa malinis na 4-0 win-loss slate sa two-level event na inorganisa ng BEST Center.

Nagposte rin ang San Antonio de Padua College ng da­lawang panalo, 25-4, 25-9 laban sa WU-JASMS at 25-11, 25-17 panalo naman kontra St. Scholastica’s College A upang walisin ang kanilang limang karibal sa high school (competitive) division.

Sa high school (developmental) competition, pinabagsak ng La Salle College An­­tipolo A ang St. Bridget, 25-17, 25-17 upang kunin ang pangunguna sa Group B taglay ang 4-0 record.

Show comments