^

PSN Palaro

28th PBL season di-dribol ngayon

-

MANILA, Philippines - Matapos ang ilang alinla­ngan sa kanilang pagbubukas ng pang 28th season, pormal na bubuksan ngayon ng Philippine Basketball League (PBL) ang 2010 PG Flex–Erase Placenta Cup sa The Arena sa San Juan.

Nakatakdang sagupain ng Ascof Lagundi ang Excel Roof ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang banggaan ng Fern-C at Cossack Blue sa alas-4.

Kumpiyansa si PBL Commissioner Chino Trinidad na mu­ling pupukaw ng atensyon ng mga basketball fans ang mga collegiate players na maglalaro sa walong koponan. 

“There are a lot of exciting players out there, even rookies are expected to make an impression in the coming tournament,” wika ni Trinidad.

Kabilang sa mga collegiate superstars ay sina Paul Lee, Jai Reyes at Eric Salamat ng Cobra Energy Drink, John Wilson ng Fern-C at Jimbo Aquino at Calvin Abueva ng Excel Roof.

Sina Aquino at Abueva ang siyang ibabandera ng Excel Roof ni Ato Agustin kontra kina JR Gerilla, Raymond Aguilar, Marc Canlas, Sean Co, Fritz Bau­zon, James Mangahas at Bam Gamalinda.

Nakuha rin ng Ascof Lagundi si Edwin Asoro, miyembro ng Harbour Centre at Oracle Residences na tumalo sa Cobra sa nakaraang championship series ng PBL PG Flex.

Sa ikalawang laro, ipaparada ng Fern-C sina Wilson Hans Thiele, Allan Evangelista at Anthony Espiritu bukod pa kay dating Ginebra pointguard Bal David bilang head coach.

Itatapat naman ng Cossack Blue sina Raffy Reyes, Paul Zamar at iba pang Red Warriors ng University of the East, yumukod sa back-to-back champions Ateneo De Manila University Blue Eagles sa nakaraang 72nd UAAP championship series.

Si San Juan Mayor JV Ejercito ang siyang maghahagis ng ceremonial toss bago ang naturang dalawang laro. (RC)

vuukle comment

ALLAN EVANGELISTA

ANTHONY ESPIRITU

ASCOF LAGUNDI

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY BLUE EAGLES

ATO AGUSTIN

BAL DAVID

BAM GAMALINDA

COSSACK BLUE

EXCEL ROOF

FERN-C

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with