Hill tinabunan ang pagkawala ni Parker, Spurs dinala sa panalo
DENVER--Umiskor si George Hill ng 17 points para saluhin ang naiwang trabaho ng may injury na si Tony Parker at igiya ang San Antonio Spurs sa malaking 111-92 panalo kontra Denver Nuggets kahapon dito.
Nagdagdag si DeJuan Blair ng 17 points, habang may 16 si Tim Duncan at 15 si Manu Ginobili.
Pinigil ng Spurs ang kanilang three-game losing slump mula sa naturang tagumpay sa Nuggets.
“It was big,” sabi ni Roger Mason, tumipa ng 14 points, sa San Antonio. “We’ve been struggling with our consistency. It lets us know how good we can be. This Denver team was playing probably the best in the league. They won in L.A., they beat Dallas pretty good. It shows what we can do when we focus, communicate and do the things we’re capable of.”
May 8-8 rekord ang Spurs sapul noong Enero 10 bago talunin ang Nuggets sa likod ng kanilang matigas na depensa.
“I thought we played better than we have played,” wika ni Spurs coach Gregg Popovich.
Hindi nakalaro para sa Demver ang kanilang bigating defensive player na si Kenyon Martin sa ikalawang sunod na pagkakataon dahilan sa kanyang tendinitis sa kaliwang tuhod.
“They were hungry. They were intense and angry and had an attitude,” ani Nuggets coach George Karl. “It was kind of payback for the two wins we took from them down there. Sometimes, I think when we don’t score, when we don’t have offense, we get frustrated. Other than the first quarter, we shot under 35 percent all night.”
Tumipa si Nene ng 20 points para sa Nuggets kasunod ang 19 ni Carmelo Anthony.
- Latest
- Trending