^

PSN Palaro

Giants tumabla sa 1-1

-

MANILA, Philippines - Inasahan ni San Miguel head coach Siot Tanquingcen ang pagbabalik ng Purefoods Tender Juicy ni Ryan Gregorio.

Ngunit hindi sa pama­magitan ng isang 19-point victory.

Bagamat napatalsik si Kerby Raymundo sa se­cond period, nagawa pa rin ng Giants na talunin ang Beermen, 103-84, upang itabla ang kanilang semifinals series para sa 2009-2010 PBA Philippine Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Humakot si 6-foot-7 Ra­fi Reavis ng conference-high 20 puntos, 12 rebounds at 4 shotblocks para sa itabla ang Purefoods sa 1-1 sa ka­nilang best-of-seven semifinals showdown ng San Miguel.

Inangkin ng tropa ni Tanquingcen ang Game One, 99-83, noong Miyerkules tampok ang 17 marka, 10 boards, 2 assists at 1 shotblock ni Jay Washington.

Mula sa kanilang 28-21 lamang sa first quarter, pi­nalaki ng Giants sa 42-30 ang kanilang kalamangan sa Beermen bago nasipa sa huling 4:11 ng second period si Raymundo dahil sa pagbangga sa isang re­feree.

“It‘s just recognition. It’s playoffs you know. We came out flat last game and we just have to understand how to beat these guys,” ani Reavis.

Matapos mapatalsik sa laro si Raymundo, kinuha ng Purefoods ang isang 19-point lead, 68-49, sa 3:43 ng third quarter sa likod nina Reavis, Marc Pingris, Paul Artadi, Don Allado at rookie forward Rico Maierhofer patungo sa 73-50 bentahe sa 2:10 nito galing sa three-point shot ni KG Canaleta.

Dalawang basket nina Bonbon Custodio at Mike Cortez at 3-pointer ni Danny Seigle ang naglapit sa San Miguel sa 73-59, papasok sa final canto.

Makaraan ang basket ni James Yap para sa 81-60 abante ng Giants sa 9:33 ng laro, isang 10-0 atake ang ginawa ng Beermen para sa kanilang 70-81 agwat sa 7:05 sa laro.

 Purefoods 103 - Reavis 20, Canaleta 17, Yap J. 17, Yap R. 15, Artadi 12, Maierhofer 9, Pingris 7, Simon 2, Adducul 2, Allado 2, Salvador 0, Raymundo 0.

San Miguel 84 - Seigle 16, Santos 13, Hontiveros 13, Washington 10, Custodio 8, Ildefonso 7, Cortez 6, Racela 5, Villanueva 4, Miranda 2, Peña 0.

Quarterscores: 28-21, 50-36, 73-59, 103-84.

BEERMEN

BONBON CUSTODIO

CANALETA

CUNETA ASTRODOME

DANNY SEIGLE

DON ALLADO

PUREFOODS

RAYMUNDO

REAVIS

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with