So, Iranian GM nag-draw sa Aeroflot Open
MOSCOW, Russia - Nakipagkasundo si Filipino GM Wesley So kay GM Ehsan Ghaem Maghami ng Iran para sa isang draw sa pagsisimula ng 2010 Aeroflot Open chess championship dito sa Hotel Gamma-Delta sa Ismailovo Tourist Complex.
Kapwa sumang-ayon sa draw sina So, kinuha ang top junior award ng nasabing torneo noong nakaraang taon, at Ghaem Maghami matapos ang 25 moves ng Caro Kann Exchange variation.
Nang makuntento sa draw, parehong taglay nina So at Ghaem Maghami ang isang queen, dalawang rooks at limang pawns.
“It’s a draw. Wesley played well, but so did his Iranian rival. It’s a good first-round game for Wesley,” wika ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) president/chairman Prospero “Butch” Pichay.
Ito ang pang apat na draw sa limang beses na paghaharap nina So at Ghaem Maghami kung saan hawak ng Iranian ang 3-2 bentahe sa kanilang head-to head duel ni So.
Kumpara kay So, kabiguan naman ang nalasap ni GM Darwin Laylo kay GM Rauf Mamedov ng Azerbaijan sa 26 moves.
Sa second round, makakatapat ni So si GM Dimitry Bocharov ng Russia, samantalang makakaharap ni Laylo si GM Eltaj Safarli ng Azerbaijan.
- Latest
- Trending