^

PSN Palaro

UE winalis ng FEU XI sa UAAP football

-

MANILA, Philippines - Pinatingkad pa ng Far Eas­tern University ang kanilang kampanya sa men’s championship matapos na bokyain ang University of the East, 1-0 sa panimula ng second round ng 72nd UAAP football events nitong weekend sa Erenchun Field sa loob ng Ateneo campus.

Matapos na ang dalawang team ay walang nagawang iskor sa kaagahan ng laro, nagpasok ang striker na si Romnick Jover ng goal sa 70th minute upang ibigay sa FEU XI ang manipis na bentahe bago nasustina nila ang kanilang malagkit na depensa tungo sa 4-1-1- win-loss-draw slate na nagbigay rin sa kanila ng 13 puntos na sapat na para okupahan ang ikalawang posisyon.

Samantala, nakaiwas naman ang University of Santo Tomas, ang league’s No. 1 sa kasalukuyan taglay ang 4-0-2 record para sa kanilang 14 puntos, matapos na itulak ang scoreless draw laban sa De La Salle University sa unang laro sa event na ito na suportado rin ng Mizuno at Ateneo De Manila U.

Magkasama naman ang La Salle at UE sa ilalim ng standing sa kanilang magkawangis na 1-4-1 kartada na nagbigay sa kanila ng 4 puntos at 1-5-0 record para sa 3 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Ipinuwersa ng host Ateneo De Manila U (2-3-1 win-loss-draw, 7 puntos) ang 1-1 draw laban sa defending champion University of the Philippines na may 3-2-1 kartada na nagbigay sa kanila ng 10 puntos sa huling laro sa men’s side.

 Sa women’s side, umiskor si Adrianne Yniguez ng 20th minute goal sa kaagahan ng laro upang ibigay sa Green booters ang 1-0 panalo laban sa Ateneo De Manila sa unang laro.

ADRIANNE YNIGUEZ

ATENEO DE MANILA

ATENEO DE MANILA U

DE LA SALLE UNIVERSITY

ERENCHUN FIELD

FAR EAS

LA SALLE

ROMNICK JOVER

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

UNIVERSITY OF THE EAST

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with