Hawks dapa sa Thunder
OKLAHOMA CITY--Humataw si Kevin Durant ng 33 points at 11 rebounds upang ibigay sa Oklahoma City Thunder ang 106-99 tagumpay laban sa Atlanta Hawks kahapon dito.
“We played a physical brand of basketball and we didn’t back down. They had us on the ropes,” ani Oklahoma City coach Scott Brooks. “If the building was a little nervous, the coach on the floor was just as nervous. They had us on the ropes and we battled back.”
Si Durant ang naging unang NBA player na umiskor ng 25 marka sa 22 sunod nilang laro matapos si Allen Iverson noong 2001.
Nang makalapit ang Hawks sa dalawang puntos, dalawang sunod na jumper ang isinalpak ni Durant para sa 97-93 abante ng Thunder kasunod ang isang assist kay Jeff Green para sa three-point shot nito at ang layup naman ni Russell Westbrook ang tuluyan nang sumelyo sa kanilang panalo.
Kumonekta si Durant ng perpektong 14-for-14 sa foul line.
“I look at him now and he’s playing like an MVP candidate right now in this league,” sabi naman ni Hawks coach Mike Woodson kay Durant.
Nagdagdag si Jeff Green ng 19 points para sa Tunder kasunod ang 12 ni Westbrook.
- Latest
- Trending