WASHINGTON--Sa harap ng isang three-game losing streak, sumandal si Kevin Garnett at ang Boston Celtics sa kanilang depensa para talunin ang Washington Wizards, 99-88, kahapon dito.
Tumipa si Garnett ng 19 points para pangunahan ang anim pang Celtics na umiskor ng double figures.
Nilimita ng Boston ang Washington sa 2-for-18 shooting sa fourth quarter patungo sa kanilang tagumpay,.
Kabuuang 36 foul shots ang itinawag sa Celtics at Wizards kung saan 24 personal fouls ang inilatay sa Washington.
“I thought the refereeing was inconsistent at times. I thought that ‘Tawn got hit a few times. You don’t go 2 for 17 in his situation and not get to the line more than six times,” sabi ni Washington coach Flip Saunders.
Umiskor ang Boston ng 25 puntos sa kabuuan ng fourth quarter kumpara sa 10 ng Washington.
Sa Salt Lake City, nagposte si Deron Williams ng 18 puntos at 15 assists upang tulungan ang Utah Jazz na palawigin ang kanilang longest winning streak sa season sa anim na games matapos igupo ang Dallas Mavericks, 104-92.
Sa Denver, umasinta si Arron Afflalo ng baseline jump shot may 18.4 segundo na lamang ang nalalabi sa overtime at umahon ang Denver sa 17-point deficit sa third period tungo sa 112-109 panalo ng Nuggets kontra sa Sacramento Kings sa overtime.