^

PSN Palaro

THANK YOU LORD FOR THE MOST WONDERFUL BIRTHDAY GIFT YOU'VE GIVEN

SPORTS - Dina Marie Villena -

Wala akong pagsidlan ng kaligayahan ng last Thursday na na-receive ko ang pinakama-importanteng birthday gift sa buhay ko.

Ngayong araw pa lang ang birthday ko kaya very advance ang pagkakatanggap ko ng birthday give last Thursday.

Isang magandang results ng brain MRI wherein sinasabi sa results na nagkaroon lang ako ng mild stroke. Hindi Big C na tulad nang unang diagnos sa akin. Siyempre base sa history ko, hindi pwedeng balewalain yung C. But then talagang napakamabuti ni LORD.

Imagine, since November of 2009, nararamdaman ko na ang pananakit ng ulo ko.

By then feeling ko migraine lang ang nararamdaman ko at yung pananakit ng ngipin ko.

This January ko lang naramdamam ang sobrang pananakit na hindi ko talaga kayang dalhin. Halos i-untog ko na ang ulo ko.

Kasama rin ang stress, sakit ng loob at kung anu-ano pang masamang feelings pero sabi ko sa sarili ko bakit ako papadala sa lahat ng negative vibrations na nararamdaman kong gayung hindi nakakatulong sa akin ito kundi nakakasama pa.

Ang tagal ng pinagdusahan ko pero, sa huli mas naniwala ako sa Faith ko kay LORD na hindi Niya pababayaan.

Ilang test ang dinaanan ko. CT scan, bone scan, chest xray, lumbar spine test at kung anu-ano pa hanggang sa irequired na nga ang MRI na siyang effective na paraan na ginamit ng neuro ko para madetermine ang tunay kong sakit.

Hindi ko ma-imagine, alam ko low blood ako at anemic pero lumabas sa findings na mild stroke ang naging diagnos ko.

Very thankful ang mga neuro ko like Dr. Philip Ramiro, Dr. Jason Ranada at maging IM doktor ko na si Dr. Jose Sarrenas dahil nga mild stroke ang diagnos. Pwedeng-pwedeng gamuitn.

Katunayan, meron na akong gamot na iniinum.Yes may time na hindi ko ma-bear ang sakit ng ulo ko pero hindi pinababayaan ni LORD at pagagalingin NIYA ako.

Sa pagkakasakit ko, sa hospital-hopping ko, nagkaroon kami ng bonding ng panganay kong si Lei, ang aking asawang si Rollie na halos siya ang tumatanggap ng pananakit ng ulo ko, mga anak kong sina LJ, Leslie, Lorraine, aking apong si Kish at Sarie, sila ang laging nakaantabay sa akin.

Sa aking mga kaibigan na sina Jocelyn Rodillo, Mayette Gonzales, Beth, Jojo Cruz and family, Jo Abelgas, Weng, Olive, Tita Cora, Russell, Judy, Grace dela Cruz, Angie, Emma, sa mag-asawang Junep at Cel at sa lahat ng Facebook friends ko at kay Tito Al, nagpapasalamat ako sa lahat ng prayers n’yo.

Sa aking hipag na si Mae, Liza at sa lahat ng friends ni Lei na nag-offer ng dasal higit sanang pagpalain kayo ng Poong May­kapal.

At higit sa lahat, Thank You Lord sa isa na namang buhay na ibinigay n’yo sa akin!

Happy birthday sa aking sarili!

Pero please continue to pray for my full recovery!

DR. JASON RANADA

DR. JOSE SARRENAS

DR. PHILIP RAMIRO

HINDI BIG C

JO ABELGAS

JOCELYN RODILLO

JOJO CRUZ

MAYETTE GONZALES

POONG MAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with