^

PSN Palaro

POC walang limitasyon sa kriterya para sa Asian Games

-

MANILA, Philippines - Hanggat maaari ay ayaw mag­lagay ng limitasyon ang Philippine Olympic Committee (POC) para sa kriteryang ga­gamitin sa 16th Asian Games sa Guangzhou, China sa Nob­yembre.

“Iyong sinasabing criteria, we don’t want to make it absolute,” sabi kahapon ni Chef De Mission Joey Romasanta ng kara­tedo federation. “Ang sinasabing criteria para sa amin ay ‘yung pagmumulan ng athletes na maaari mong tingnan whether they can be competitive for the Asian Games.”

Nauna nang sinabi ni Philip­pine Sports Commissioner Eric Loretizo na hindi awtomatikong makakabilang sa delegasyong ilalahok sa 2010 Guangzhou Asiad ang mga atle­tang kumolekta ng 38 gold, 39 silver at 51 bronze medals sa nakaraang 25tth Southeast Asian Games sa Laos.  

Ito naman ay kinatigan ni Ro­masanta, nakipagpulong na sa mga National Sports As­sociation (NSA)s para sa ka­nilang programa sa 2010 Asian Games.

“Hindi ‘yan ‘yung kung sino ‘yung napili mo ngayon sa national pool na ‘yan, eh automa­tic na siya rin ang pupunta sa Asian Games,” sabi ni Roma­santa, dating executive director ng Project: Gintong Alay ni Mi­chael Keon.

Noong 2006 Asian Games sa Doha, Qatar, kumolekta ang national contingent ng kabuuang apat na gold, anim na silver at siyam na bronze medal parta maging 18th-placer.

Ang apat na gintong medal­ya ay nanggaling kina boxers Joan Tipon at Violito Payla, wu­shu artist Rene Catalan at bil­liards master Antonio “Gaga” Gabica.

Humigit-kumulang sa 50 national athletes lamang ang naunang sinabi ni PSC chairman Harry Angping na kanilang popondohan para sa 2010 Guang­zhou Asiad.

Sinabi pa ni Romasanta na kailangan ring ikunsidera ng mga NSAs sa pagrerekomenda ng kanilang mga atleta ang pon­dong gagamitin. (RCadayona)

ASIAN GAMES

CHEF DE MISSION JOEY ROMASANTA

GINTONG ALAY

GUANGZHOU ASIAD

HARRY ANGPING

JOAN TIPON

NATIONAL SPORTS AS

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

RENE CATALAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with