Dallas sunog sa Phoenix

PHOENIX--Sa likod nina Louis Amundson, Goran Dragic at Jared Dudley, iginupo ng Phoenix Suns ang Dallas Mavericks, 112-106, kahapon dito.

“It was cool,” sabi ni Amundson, tumapos na may 13 points buhat sa 5-of-7 shooting. “It was a lot of fun being out there. We call came in and gave the team something different.”

Si Amundson ang nababad matapos hindi gamitin sa kabuuan ng fourth quarter AMare Stoudemire. May 22 marka si Stoudemire para sa Suns.

Sinabi naman ni Phoenix coach Alvin Gentry na hindi na niya ginamit si Stoudemire dahilan sa magandang laro ng kanyang mga reserve players.

Nagdagdag si Steve Nash ng 19 points at 11 assists para sa Phoenix kasunod ang 17 marka ni Jason Richardson.

Sa Orlando, Florida, umiskor si Rashard Lewis ng 23 puntos at nagsalpak ng game-winning layup may 1.3 segundo ang na­lalabi upang bitbitin ang Magic sa 96-94 panalo laban sa Boston Celtics.

Tumapos naman ang sentrong si Dwight Howard ng 19 puntos at 10 rebounds, bukod pa ang apat na blocks para sa Magic.

Show comments