Venus dinispatsa ni Li sa Australian Open
MELBOURNE, Australia--Isang service game na lamang ang kailangan ni Venus Williams upang maselyuhan ang kanyang inaasam na sisters semifinal showdown sa Australian Open, subalit nagkulapso siya dahil sa mga errors na naging tulay upang masilat siya ng No. 16 na si Lina ng China.
Nakarating si Li sa Grand Slam semifinals sa unang pagkakataon sa pagposte ng 2-6, 7-6 (4), 7-5 panalo sa quarterfinal nitong Miyerkules, na naghatid sa China ng dalawang manlalaro nito na pumasok sa last four ng tennis major sa unang pagkakataon.
Lalaro naman si Zheng Jie sa semifinals katunggali ang dating No. 1-ranked na si Justine Henin sa isang semis match.
At ng tumira na ang seven-time major winner ng kanyang serbisyo sa laban kung saan ang iskor ay 5-4 sa second set, nagawang basagin ito ni Li at at naitulak ang laban sa dominanteng tiebreaker laban sa dating No. 1-ranked American.
At sa deciding set, nagawang buksan ni Williams ang naturang set kung saan tumira ito ng anim na magkakasunod na service breaks hanggang sa nagawa siyang pigilan ni Li at naitabla ang iskor sa 4-4 all. dito muli niyang nabasag ang serbisyo ni Williams at nabigyan naman siya ng tsansa para sa kanyang serbisyo pero hindi man lamang siya nakapagkunekta ng iskor.
At sa pagbabalik ng serbisyo kay Williams, natalo naman ito ng apat na sunod na puntos mula sa kanyang sariling serbisyo ang nagbigay naman kay Li ng second chance para makapag-serbisyo at inilatag ang 6-5 iskor. At dito na nagsimulang manalasa si Li na gumawa ng magkasunod na forehand winners down the line para sa kanyang panalo.
- Latest
- Trending