Trainer ni Clottey may US visa na
MANILA, Philippines - Matapos pagkaitan ng visa ng US Embassy sa Accra, Ghana, magkikita na rin sina chief trainer Godwin Kotey at challenger Joshua Clottey sa New York City.
Halos maluha ang 32-anyos na si Clottey nang malaman na hindi makakapasok si Kotey sa United States dahilan sa kabiguan nitong makakuha ng visa.
“Godwin is a very famous trainer in Ghana,” wika kahapon ni Vinny Scolpino, tumatayong manager ni Clottey. “This is the trainer Joshua has been asking for to prepare for Pacquiao. It will be Godwin who puts together our game plan.”
Huling nagkasama sina Clottey at Kotey noong 2004. Matapos ang inaasahang pagdating ni Kotey sa New York sa Biyernes, didiretso ang Team Clottey sa kanilang training headquarters sa Ft. Lauderdale, Florida.
Idedepensa ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao ang kanyang hawak na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban kay Clottey sa Marso 13 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas. (RC)
- Latest
- Trending